????NAOYA INOUE KABADO NA! GAME PLAN ni DASMARIÑAS para PABAGSAKIN ang HALIMAW ng JAPAN, naka-HANDA

0 Просмотры
Издатель
Michael Dasmarinas may malupit na palang gameplan kung paano tatalunin ang # 2 pound for pound king na si Naoya The Monster Inoue.

Related Article :

Michael Dasmarinas vs Karim Guerfi


Michael Hot n Spicy FB Page :

Hindi man nakuha ni john Riel Quadro Alas Casimero ang kanyang ina-asam na laban kontra sa Japanese knockout artist na si Noya Inoue, hindi naman napasakamay ng ibang lahi ang pagkakataon dahil sa pinoy pa din naman ito natapat

Ang napili ng Top Rank para kay Inoue ay ang tubong Bicol na si Michael Hot n Spicy Dasmarinas na kasalukuyang #1 IBF bantamweight contender.

Undefeated since 2015 – masasabi natin na malaki ang tyansa na makasilat ang ating kababayan.

Kung titingnan ang head to head match up ng dalawa Si Dasmarinas ay may record na 30 wins with 20 knockouts – 2 talo at isang draw, O may total na 33 fights kaya masasabi natin na lamang sa experience ang ating kababayan.

Itataya naman ni Inoue ang kanyang undefeated record na 20 wins with 17 knockouts.

Kung knockout power ang pag-uusapan – lamang ang 85% knockout percentage ng hapon kesa sa 67% ni Dasmarinas.

Pero sabi nga nila – sa oras na sumampa na ang mga boksingero sa ring – back to zero ang standing at balewala na ang kanilang record dahil sa boxing skills at nakahandang game plan na lang nakasalalay ang kahihinatnan ng laban.

Sa isang article ng – nagpahapyaw si Dasmarinas tungkol sa nakahaing blueprint kung paano niya wawakasan ang pananalanta ng halimaw mula sa Japan.

Ayon sa ating kababayan – kailangan daw na mahigitan niya ang boxing level ni Inoue. Samahan pa ng kalkuladong bilis at lakas para matiyak daw na magiging kapana-panabik ang laban.

Ibubuhos nya daw ang kanyang 100 porsiyento para manalo sa laban, sa ngayon ginagawa niya daw ang lahat ng kailangan para makuha ang magandang resulta at maiuwi ang kampeonato sa Pilipinas.

Napakalaki ng naitulong at napulot na aral ni Dasmarinas sa kanyang dalawang pagkatalo.
Sa unang talo - Naging kumpiyansa daw siya at kulang sa ensayo kaya napabagsak ng kababayang si Marbon Bodiongan

Sa pangalawa naman – dumayo daw sila sa Africa para harapin ang IBO Super Flyweight champ Lwandile Sityatha pero natalo via split decision.

Dahil sa mga kabiguang ito – natuto si Dasmarinas na dapat lagi kang handa kahit walang laban na tulad ng ginagawa ng mga tunay na kampeon sa boksing

At pag dadayo ka na laban sa ibang lugar – siguraduhing patutulugin mo ang kalaban.

Ipinakita ni Dasmarinas ang kanyang championship caliber ng harapin ang pranses na si Karim Guerfi para sa IBO Bantamweight belt noong 2018.

Mas maanghang pa sa bicol express ang binitawang straight left ni Dasmarinas na deretsong sumalpok sa panga ni Guerfi.

Hindi na nakabangon ang pranses sa lakas ng sinalong kaliwa.

Kaya nakuha at naisuot ni Dasmarinas ang IBO Bantamweight belt.

Hindi nagtagal – binitawan ni Dasmarinas ang IBO belt. Dahil mas pinili ng kanilang kampo ang lumaban sa ilalim ng IBF kesa sa IBO.

Simple lang naman ang dahilan, mas prestihiyoso at kinikilalang major world title ang Internationation Boxing Federation o IBF belt.

Samantalang ang International Boxing Organization o IBO belt ay isang minor championship lang.

Isa itong napakandang desisyon, dahil sigurado na mas puputok at makikilala ang isang boksingero pag may suot na major title.

Nagoyon pa pang, matindi na ang paghahanda ni Dasmarinas para sa salpukan nil ani Inoues sa darating na June 19 sa Las Vegas.

Kahit na sinasabing underdog ang ating kababayan – ngayon pa lang e mag-isip isip na kayo.
Iba ang dugong pinoy – lahi ng matatapang, lahi ng palaban.

Siguradong pagdating na sa bakbakan, itataya ang lahat para sa karangalan.

Kaya I-comment na lang ang inyong gustong sabihin sa ating kababayang si Michael Dasmarinas sa kanyang napipintong laban.

#michaeldasmariñas #hotnspicy #pinoypride
Категория
Фантастика
Комментариев нет.